60
armed-forces-of-the-philippines
By

Philippine Marines, pinahihiwalay na sa AFP

Sharing is caring!

Inatasan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang Kamara na bilisan ang pag-apruba sa panukalang maghihiwalay sa Philippine Marine Corp., bilang isa sa sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng Philippine Navy ang Philippine Marines.

Pero sa ilalim ng House Bill 7304 na inihain nina Alvarez at House Majority leader Rodolfo Fariñas, magiging hiwalay na ito gaya ng Philippine Air Force, Philippine Navy at Philippine Army.

Ayon sa dalawang kongresista, ang kawalan ng sariling charter ng Philippine Marines ay ugat ng ilang problema gaya ng sa usapin ng pondo at organisasyon.

“Although the PMC has lived up to its mandate, its lack of Charter has caused institutional challenges, including but not limited to fiscal and organizational restrictions. Despite these, the PMC has provided seamless transition of military power between sea and land domains. The men and women of the PMC have served and responded to the call of duty gallantly,” sabi nina Alvarez at Fariñas.

Kapag naisabatas ang panukala, ang Marines ay magkakaroon ng malinaw na otorisasyon para sumuporta sa law enforcement agencies at tumugon sa oras ng kalamidad at trahedya.

Pamumunuan ito ng commandant na may ranggong lieutenant general na itatalaga ng Pangulo.

Itatatag naman ang tatlong base ng Philippine Marines sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?