10

Jan 22, 2021 @ 15:29
By

Philippine eagle-owl pinakawalan sa Samar

Pinakawalan ang isang juvenile na Philippine eagle-owl sa kagubatan ng Bgy. Caluwayan, Marabut, Samar noong Lunes.

Ayon sa ulat, pinangunahan ng mga kinatawan ng Community Environment and Natural Resources Office ang pagpapakawala sa naturang agila.

Anila, nagmula pa sa Department of Environment and Natural Resources – Eastern Visayas ang agila at na-rescue noong Disyembre ng nakaraang taon.

Kasalukuyang kinokonsedarang endangered species na ang mga Philippine Eagle-owl ayon sa Updated National List of Threatened Philippine Fauna and their Categories.

Nito lamang Enero 8 nang nasawi si Pag-asa na siyang kinilalang ‘icon’ ng pambansang ibon noong 1992.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?