16

Jun 10, 2021 @ 20:13
By

Philippine eagle gagawing ambassador

Nagsasanay ngayon ang 19-year-old Philippine eagle na si “Mindanao”.

Para ito sa magiging role niya matapos magretiro mula sa pag-aanak.

Ayon sa ulat, magiging conservation education ambassador ng Cebu Pacific si “Mindanao” at ituturo sa kanya na lumipad “on cue”.

“This partnership with the Philippine Eagle Foundation signifies our commitment to keep doing our part in taking care of our planet in line with our sustainability journey,” pahayag ni Cebu Pacific Vice President for Marketing and Customer Experience Candice Iyog.

Mula pa 2015 ay suportado na ng airline company si “Mindanao” at patuloy pa rin itong bibigyan ng makakain at tamang pangangalaga ng beterinaryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?