124

Apr 24, 2020 @ 18:24
By

Philippine Army sa NBI: Pagbaril sa checkpoint’ kay Ragos, imbestigahan

Hiniling ng pamunuan ng Philippine Army sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang ‘impartial investigation’ ang pagkamatay ni ex-army CPL Winston Ragos, matapos na barilin ng pulis sa checkpoint sa Brgy. Pasong Putik QC, nitong Martes.

Sumulat si Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay kay NBI Director Atty Eric Distor
para sa imbestigasyon dahil sa magkakaibang pahayag ng mga pulis na sangkot sa insidente, witness accounts, at iba pa.

Ang ‘apparent prejudgement’ ng mga pulis ang nagtulak sa PHL Army na magpasaklolo sa NBI upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Ragos, na sinasabing may Post-traumatic Stress Disorder.

“What happened to Cpl. Ragos was an unfortunate, but avoidable event. Let his death serve as an awakening on the plight of other soldiers who are being plagued by the traumas of war. The Philippine Army prioritizes taking care of our troops and sustaining the wellbeing of our soldiers and their families,” ayon sa Commanding General ng Philippine Army.

Ayon kay Gapas, dahil sa insidente, namulat din ang publiko sa mga dinaranas ng mga sundalong may mental health issues.

“The Philippine Army prioritizes taking care of our troops and sustaining the wellbeing of our soldiers and their families,” dagdag pa ng opisyal.

Nagpapaabot naman ng tulong ang Philippine Army sa pamilya ni Ragos.

https://youtu.be/UkByoBvwh-Q
TANIM-BARIL? Caliber .38 ‘inilagay’ sa BAG ni WINSTON RAGOS, Florendo KINASUHAN ng HOMICIDE
https://youtu.be/-92hwdZQ-uo
PAMILYA NG DATING SUNDALONG NABARIL NG PULIS NANANAWAGAN NG HUSTISYA
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?