89

May 15, 2021 @ 19:35
By

Philippine Army, may bago na namang hepe

Bababa na sa puwesto bilang Philippine Army chief si Lieutenant General Jose Faustino, dahil sa nalalapit nitong pag-abot sa mandatory retirement age.

Sa Nobyembre pa nakatakdang magretiro si Faustino ngunit ngayon pa lamang ay idineklara na nito ang pagbaba niya sa pwesto. Tatlong buwan lamang siyang naging hepe ng army.

Sa isang dokumento noong Mayo 14 ay idineklara na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Major General Andres Centino na siyang magiging bagong pinuno ng army.

Noong Marso pa lamang ay kinuwestyon na ni Senador Panfilo Lacson ang pagtatalaga kay Faustino, sapagkat wala na lamang isang taon ang natitira nitong itatagal sa serbisyo.

Nabanggit ni Lacson na nakasaad sa batas na hindi na dapat maitatalaga sa ganoong posisyon ang sinuman na wala na lang isang taon ang natitira sa serbisyo bago ang pagreretiro.

Dinepensahan pa nga noon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakatalaga kay Faustino, kung saan sinabi nito na nasa kapangyarihan ng pangulo ang magtalaga ng pinuno ng Philippine Army

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?