207

Jun 18, 2019 @ 13:16
By

Philippine Army, Israeli Defense Force magtutulungan sa anti-terrorism training

Malugod na tinanggap kahapon ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Macairog Alberto ang delegasyon ng Israeli Defense Force o IDF na bumisita sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio.

Ang Israeli delegasyon na pinamunuan ni IDF Brig. Gen. Dan Goldfus ay nakipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Army kaugnay ng isasagawang Counter-Terrorism Trainer’s Training (CTTT) sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

Ang CTTT, na kauna-unahang pagsasanay sa pagitan ng Phil Army at IDF na isasagawa sa bansa, ay inaasahang magpapalakas sa operational at instructional skills ng dalawang pwersa sa laban kontra Terrorismo.

Sinabi pa ni Bgen Goldfus na maraming matututunan ang IDF sa tagumpay ng mga sundalong Pilipino sa marawi seige noong 2017.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Gen. Alberto na magiging mabunga ang kolaborasyon ng Pilipinas at Israel dahil magkapareho ang pananaw ng dalawang bansa kontra sa Terrorismo. Dagdag ni Alberto, Ang Terrorismo ay isang komplikadong banta na nangangailangan ng “international cooperation” at tuloy tuloy na pagpapalitan ng impormasyon ayon pa sa opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?