647

By

PhilHealth president, sinibak ni Duterte

Inalis na sa puwesto ang pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Celestina Maria Jude dela Serna.

Ang pagsibak kay Dela Serna ay ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte habang ito ay nasa official visit sa South Korea.

Ipinalit kay Dela Serna si Dr. Roy Ferrer, board member ng PhilHealth.

Nabunyag ang kuwestiyonableng gastos ni Dela Serna sa kanyang mga biyahe at hotel accommodation sa inilabas na report ng Commission on Audit.

Bukod pa rito ang halos isang taong pagtira ni Dela Serna sa The Legend Villas na may rate na mahigit P3,000 kada gabi at binayaran ng PhilHealth.

Si Ferrer ay tubong Davao City at isang diabetes specialist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?