9

By

PhilHealth: P1B lang ang utang namin!

Sharing is caring!

Itinanggi ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na baon ito sa P6 bilyon na utang sa mga pribadong ospital.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni PhilHealth President Dr. Rey Ferrer na nabayaran na ang mga pribadong ospital na tumanggap ng mga pasyente na gumamit ng mga benepisyo ng PhilHealth.

Sa alegasyon ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP), hindi umano nabayaran ng PhilHealth ang kanilang mga kasapi mula noong 2011 hanggang 2017 kaya umabot ito sa P6 bilyon.

Pero ayon kay Dr. Ferrer, nabayaran na ng PhilHealth ang mga pananagutan nito mula noong 2014 hanggang 2017.

Sa ngayon, P1 bilyon na lang umano ang kailangang bayaran.

Mabilis na rin umano ang pagbabayad sa mga ospital at hindi na ito lumalagpas sa isang buwan. Mayroon ding ibang sangay ng ahensya na nakakapagbayad na sa pribadong ospital sa loob ng 8 araw.

Sa hurisdiksyon na lang umano ng kanilang regional vice president sa Visayas lumalagpas sa 90 araw ang pagpoproseso ng claims sa PhilHealth kapa pinoproseso na ang pagsibak dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?