37
dela-serna
By

PhilHealth OIC, gumastos ng P627K sa biyahe

Sharing is caring!

Umabot ng P627,000 ang gastos sa biyahe ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) officer-in-charge Celestina Ma. Jude Dela Serna noong 2017.

Base sa audit observation memorandum (AOM) ng Commission on Audit (COA), kabilang sa travel expenses ni Dela Serna papunta at mula Tagbilaran at Maynila ang pamasahe sa eroplano, terminal fees, at hotel/lodging accommodations.

Ayon sa COA auditors, ang disbursements ay hindi alinsunod sa COA circular.

“Irregular expenditures are incurred if funds are disbursed without conforming with prescribed usages and rules of discipline. There is no observance of an established pattern course, mode of action, behavior or conduct in the incurrence of irregular expenditure,” saad sa AOM.

Bukod sa travel expenses, kinuwestiyon rin ng COA ang P143,881 na natanggap nitong allowances na merong Notices of Disallowance noong mga taong inaapela ito.

Pinagpapaliwanag din si Dela Serna tungkol sa P152,000 na ginastos nito sa video conferencing.

Inatasan ng COA ang opisyal na magsumite ng mga legal na basehan para sa mga allowance.

Si Dela Serna ay iniluklok sa posisyon ng PhilHealth board of directors noong Abril 2017 kasunod ng pagbibitiw ni Dr. Hildegardes Dineros.

Nagsilbi ito bilang pinuno ng dalawnag ospital sa Bohol bago ang kanyang appointment sa PhilHealth board bilang kinatawan ng overseas Filipino migrant workers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?