148

By

PhilHealth officials babalasahin ni Pangulong Duterte

Nakatakdang magpatupad ng rigodon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa nabunyag na irregularidad sa ahensiya.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa isang aktibidad sa Davao City Sabado ng madaling araw na hindi katanggap-tanggap sa kanya ang mahigit 100 bilyong piso inabuso mula sa pondo ng Philhealth.

Batid ng Pangulo na maraming nakikinabang sa Philhealth subalit ang mahigit isang bilyong pisong kinukubra ng mga hospital ay hindi kapani-paniwala.

“When I go back, I’m making the announcement that I am maybe reshuffling the Philhealth. And I will —marami talagang may sakit na nakikinabang sa Philhealth. But the sheer amount na 100 something billion is totally ,totally unacceptable to me,”anang Pangulo.

Wala aniya siyang duda sa integridad ni PhilHealth acting President Dr. Roy Ferrer dahil isa ito sa mga kumokontra sa mga prebilihiyong matinding naaabuso sa ahensiya.

Pero kailangan aniya nitong ireorganisa ang ahensiya at magpatupad ng sistema para matukoy kung hanggang saan ang lawak ng irregularidad.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na posibleng magtalaga ito ng mga taong bihasa sa negosyo para maayos na mapangasiwaan at malatakbo ang PhilHealth.

“For the sheer amount that was lost, I have to reorganize your entity, change maybe all of you and install a more–systems of accounting and accountability. Bakit umabot ng ganoon kalaki without the necessary checks along the way?”dagdag pa ng Pangulo.

Nauna rito, ibinunyag ang umano’y sobra-sobrang kinubra ng isang dialysis center sa PhilHealth at pati patay na miyembro ng ahensiya ay sinisingil pa rin dahil umano sa pakikipagsabwatan ng ilang tauhan at opisyal ng Philhealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?