28

Dec 30, 2020 @ 17:27
By

PhilHealth makapal mukha – Imee

Binanatan ng ilang senador ang timing ng napipintong taas kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kina Senadora Imee Marcos at Senador Francis Pangilinan, hindi tama na magpatupad ng contribution hike ang PhilHealth kung maraming tao ang nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa COVID-19 crisis.

“Kapal ng mukha ng PhilHealth magtaas ng premium! Managot kaya muna sila sa bilyon bilyong reserve fund na nawawala, bago magdagdag singil at saan na naman mapupunta ‘yang pera?” pahayag ni Marcos.

Gayundin ang pananaw ni Pangilinan.

“Hindi ngayon ang panahon upang dagdagan ang gastusin ng ating mga kababayan sa kalusugan at lalo na’t milyon milyon ang walang trabaho at walang makain,” aniya.

Depensa ng PhilHealth, kailangan ng karagdagang pondo upang maipatupad ang Universal Health Care Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?