182

By

PhilHealth magtataas ng kontribusyon

Naglabas ng bagong premium rates ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kasabay ng pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Law.

Epektibo ito ng Disyembre 7, 2019.

Ito ang karagdagang .25 porsiyento na buwanang singil sa bawat miyembrong direktang nagbabayad sa ahensiya.

Mula 2.75%, magiging 3% na ang premium rates ng PhilHealth.

Ibig sabihin, ang mga sumasahod ng P10,000 na karaniwang nagbabayad ng P275 ay magbabayad na ng P300 sa susunod na taon.

Anang PhilHealth, kinakailangan nilang magpatupad ng dagdag-singil para mabigyan ng serbisyong medikal ang lahat ng Pilipino sa bansa alinsunod sa umiiral na UHC Law.

Kalakip naman umano ng taas-singil ang karagdagang benepisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?