34
duterte-philhealth
By

PhilHealth lilinisin laban sa mga tiwaling opisyal – Palasyo

Sharing is caring!

Pinabubusisi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang report laban sa Officer-in-Charge ng Philhealth na si Celestina Ma. Jude dela Serna kaugnay sa umano’y lingguhang biyahe nito na umabot ng P600,000 kasama na ang hotel accomodation.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na mabigyan ng universal health care ang mga pilipino at hindi magagawa ito kung hindi malilinis ang hanay ng Philhealth.

Magkakaroon din aniya ng pagkakataon ai dela Serna na ipaliwanag ang kanyang panig sa proseso ng imbestigasyon.

“Well, alam ko po iimbestigahan din po iyan ng Presidente ‘no. Dahil prayoridad po talaga ng Presidente na magbigay nung universal health care at talagang kung hindi po malilinis ang hanay ng PhilHealth, hindi po magkakatuparan itong universal health care. So ito lang po ang maipapangako ko po: Talagang bibigyan po ng importansiya paglilinis sa hanay ng PhilHealth,” ani Roque.

Batay sa report ng Commission o Audit o COA, lumagpas sa kalahating milyong piso unano ang nagastos ni dela Serna sa kanyang mga biyahe da iba’t ibang bahagi ng bansa kasama na dito ang mahal na hotel accomodation pati na ang pagtanggap ng allowance.

Sinabi ni Roque na nais ng Pangulo na makinabang ang mamamayan sa mga packages na ibinibigay ng Philhealth lalo na sa mga mahihirap dahil isa sa agenda ng kanyang administrasyon ay magkaroon ng maayos na programang pangkalusugan ang lahat ng mga pilipino.

Galit aniya ang Pangulo sa mga opisyal na hindi ginagawa ng maayos ang trabaho kayat makakaasang iimbestigahan ito ng Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?