14

Oct 1, 2020 @ 13:55
By

PhilHealth head: Mga nasa pribado lang ba nagtatrabaho nang tama?

Tutol si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at CEO Dante Gierran sa pag-privatize ng PhilHealth.

Natanong kasi siya ukol sa paksa sa pagdinig sa Kamara.

“Are we telling the people of the Philippines and the world na ang mga tao lang sa pribado ang marunong magtrabaho nang tama? Hindi marunong ang mga taga-gobyerno tulad natin?” tugon ni Gierran ngayong Huwebes, Oktubre 1.

“Wow, hindi maganda ‘yan. It will send a wrong signal to our people that people in the government cannot be trusted,” aniya pa.

Tinalaga si Gierran sa PhilHealth matapos mag-resign ni Ricardo Morales noong Agosto, sa kasagsagan ng imbestigasyon ukol sa umano’y malawakang katiwalian sa state health insurer.

Samantala, si Presidente Rodrigo Duterte ang naghain ng panukalang i-privatize ang PhilHealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?