53

May 4, 2020 @ 11:19
By

PhilHealth ‘di pa nagbabayad sa UST Hospital

Higit P180 milyon ang umano’y utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa University of Santo Tomas (UST) Hospital para sa mga pasyente noong 2019.

Sa isang pahayag, sinabi rin medical director ng ospital na si Dr. Marcellus Francis Ramirez na karaniwang delayed ang pagbayad ng PhilHealth nang 5 hanggang 6 buwan,

Nagbawas din aniya sila ng “non-crucial” o “non-frontliner” na mga kawani dahil gipit na ang ospital sa pera habang may COVID-19 pandemic, at ‘di rin umano nila natitiyak kung kakayanin pa nilang mag-operate hanggang sa dulo ng 2020.

“While Philhealth has instituted healthcare coverage of admitted CoVid patients, reimbursement is delayed by an average of 5-6 months. Currently the receivable of USTH from Philhealth stands at more than P180 million and counting,” wika ni Ramirez sa The Varsitarian, ang opisyal na pahayagan ng mga Thomasian student.

“We have no idea when our operations will return to normal and we are uncertain if we can actually fully operate within the year,” sambit pa niya.

Ayon sa kanilang collective bargaining agreement, makatatanggap aniya ang mga sinibak na empleyado ng 150% separation pay at 30-day notice.

Gayunman, dismayado ang UST Hospital Union sa ginawang pagbabawas ng higit 40 kawani.

Sabi pa ni union president Donald Siazon, sa isang ulat, hindi dapat maapektuhan ang mga empleyado ng utang ng PhilHealth sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?