198

Jul 30, 2018 @ 20:50
By

PhilHealth coverage sa PWDs, aprub na ng Senado

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas ukol sa awtomatikong enrollment at coverage ng mga person with disability (PWDs) sa National Health Insurance Program o PhilHealth.

Sa Senate Bill No. 1391 na isinulong ni Senadora Risa Hontiveros, ang premium contribution ng mga PWD ay sasagutin ng national government habang ang premium contribution ng mga PWD na nakakapagtrabaho sa pribadong sektor ay paghahatian ng employer at ng gobyerno.

Kukunin ang pambayad sa premium sa nakokolektang sin taxes o buwis mula sa sigarilyo at alak.

Sa pagboto ng pabor sa pag-apruba sa panukala, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi charity ang panukalang batas kundi pagtupad ng kanilang tungkulin na tulungan ang may 2-milyong PWD sa bansa, partikular ang may kakayanan na maging produktong miyembro ng lipunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?