321

Dec 30, 2017 @ 16:01

Phil Younghusband, model Margaret Hall engaged na

Masayang-masaya ang holiday season para sa Azkal striker na si Phil Younghusband.

Ito’y matapos niyang ihayag na nag-propose na siya sa kanyang kasintahan, ang Filipina-Spanish model na si Margaret Hall.

“We hope that everyone had a wonderful Christmas with their loved ones. We certainly had a magical Christmas this year…I proposed to @magshall_ and she said YES!” pagbabahagi ni Younghusband sa kanyang Instagram.

Dalawang taon nang magkarelasyon sina Younghusband at Hall. Si Younghusband ay dating naging kasintahan nina Angel Locsin at Bangs Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?