4

Jan 18, 2021 @ 15:03
By

Phil Spector pumanaw na

Pumanaw na ang sikat na American record producer na si Phil Spector sa edad na 81 dahil sa COVID-19.

Kinumpirma ng California Department of Corrections ang balitang sumakabilang-buhay na si Spector bandang alas-6:35 ng gabi sa isang ospital.

Ayon sa ulat, aalamin pa ng medical examiner ng San Joaquin County Sheriff’s Office ang opisyal na sanhi ng pagkasawi ng producer.

Tinamaaan ng COVID-19 ang nasabing producer apat na linggo na ang nakalipas at dinala sa pagamutan mula sa kanyang kulungan.

Taong 2009 nang mahatulang ‘guilty’ si Spector sa kasong pagpatay sa aktres na si Lana Clarkson noong 2003.

Ilan sa mga nakatrabaho ni Spector sa industriya ng musika sina Tina Turner, Leonard Cohen at ang bandang The Beatles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?