41

By

Phelps umiskor ng 20, Mighty kinabog ang Iran

Kinolekta ng Mighty Sports Philippines ang una nitong panalo matapos biguin ang Iran 98-72 sa pagsisimula ng 41st Annual William Jones Cup International Basketball Tournament Biyernes ng hapon sa Changhua County Gymnasium, Changhua County sa Taiwan.

Agad na iniwanan ng Jones Cup 2016 champion na Mighty Sports Philippines sa unang yugto pa lamang ang Iran sa pagbuhos ng 21-12 atake at hindi na binitiwan ang pagkapit sa abante upang mainit na simulan ang kampanya nito sa pagnanais na maiuwi muli ang titulo ng torneo.

Umiskor ng double figures sina Eugene Phelps (20), Jeremiah Gray (16), McKenzie Moore (15) at Renaldo Balkman na may 10 upang agad nitong patikimin ng kabiguan ang karibal sa Asya na Iran.

Hindi man lamang pinalasap ng Mighty Sports ng kalamangan ang Iran sa kabuuan ng laro.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lalahok ang Mighty Sports sa internasyonal na torneo kung saan agad tinanghal itong kampeon sa kanilang unang pagsali sa pagwalis sa walo nitong laro noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?