211

Aug 4, 2018 @ 18:09
By

Phelps binati ang batang Fil-Am na bumura sa record niya

Ilang araw na ring maingay ang pangalan ng isang Filipino-American swimmer na si Clark Kent Apuada matapos nitong basagin ang record ni Olympian Michael Phelps 100-meter freestyle.

Noong 1995 ay naitala ni Phelps ang record na 1:10:48 sa 100-meter freestyle sa Far Western International Championships at matapos ang 23 taon ay binasag ni Apuada ang record na ito at nagtala ng 1:09:38, higit isang segundo na mas mabilis kaysa kay Phelps.

Hindi napigilan ni Phelps at nag-post ito sa kanyang Twitter account at binati ang batang swimming prodigy.

“Big congrats to #clarkkent for smashing that meet record!!! Keep it up dude!! #dreambig,” ani Phelps.

Sa panayam ng CNN sa coach ni Apuada na si Dia Riana, apat na taon na aniya itong sumasabak sa iba’t ibang swimming competition.

“This kid is unlike any other young man that I’ve ever coached,” saad ni Riana.

Inamin din ni Apuada sa panayam sa kanya ng KPIX 5 na masaya siya na basagin ang record ni Phelps at isa mga layunin niya ngayon ay makapaglaro sa Olympics. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?