22

By

Phelps, Balkman binuhat ang Mighty

Hindi humuhupa ang init ng Mighty Sports-Go for Gold, bumanat na naman ng easy win, sa pagkakataong ito kontra Jordan 90-74 sa second day ng 2019 William Jones Cup kahapon sa Changhua County Stadium sa Taipei.

“Jordan is deep but they lost their best player and they are missing four key players,” sabi ni head coach Charles Tiu sa ulat ng ESPN.

“We give our players a lot of freedom on offense but we demanded more effort on the defensive end and we kept Jordan below 75 points which was a target for us and they shot below 40%.”

Kontrolado agad ng Mighty Sports-Go for Gold (2-0) ang laban sa paghulog ng 15 puntos na kalamangan sa pagtatapos ng unang hati ng laro 44-29.

Muling inako ni ex-PBA import Eugene Phelps ang atake ng koponan sa pagtikada ng 20 points sa likod ng 7 of 12 shooting, katuwang si Renaldo Balkman na kumubra naman ng 17 markers.

“Our half court defense is good but we give our opponents multiple chances at scoring by giving up offensive rebounds,” dagdag ni Tiu, na natanong kung ano dapat nilang diskarte kontra sunod na karibal na Japan.

“They are a solid team. They actually beat the Chinese Taipei A team. They have a very good coach and a good system also, it should be a tougher challenge for us against compared to Jordan.

Tumulong din si Roosevelt Adams ng 11 points, sa likod ng tatlong triple.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?