By

Phase out ng bulok na jeep, sisimulan na sa Enero – DOTr

Sharing is caring!

Pagpasok ng bagong taon ay sisimulan na ang ‘phase out’ program para sa mga pampasaherong jeep, ayon kay Transportation Undersecretary Thomas Orbos.

Sabi ni Orbos, pagtalima lang naman ito sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre na sa 2018 ay dapat masimulan na ang pag alis ng mga bulok na sasakyan at uunahin ang mga public transport vehicles.

Sa ilalim ng PUV Modernization Program, ang mga jeepney na edad 15 taon pataas at hindi Euro-4 compliant ang makina ay papalitan na ng mga bagong modelo, na aprubado sa gobyerno ang disenyo.

Ayon kay Orbos hindi bababa sa 180,000 Hari ng Kalsada ang papalitan.

Samantala, ang inspections sa mga jeep ay magsisimula sa Oktubre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?