23

Oct 14, 2021 @ 18:18
By

Phase 1 sa turukan ng bagets tuloy bukas, 8 ospital inihanda

Walong ospital sa National Capital Region ang pagdadausan ng phase one ng pagbabakuna sa mga batang edad 12-17 na may mga comorbidities at magsisimula ito bukas, Oktubre 15.

“Magsisimula na bukas, October 15, ang unang phase ng pagbabakuna para mga batang edad 12-17 taong gulang na may comorbidities o “Pediatric A3”! Ito ay isasagawa sa walong napiling ospital sa Metro Manila,” saad sa social media post ng Department of Health (DOH).

Apat sa mga ospital ang nasa Quezon City at ito ay ang Philippine Children’s Medical Center, Fe Del Mundo Medical Center, National Children’s Hospital, at Philippine Heart Center.

Ang Philippine General Hospital ang venue sa Maynila, St. Luke’s Medical Center sa Taguig City, Makati Medical Center at Pasig City Children’s Hospital.

Samantala, sa phase two ay 17 na ospital sa NCR, o isang ospital sa bawat LGU na bumubuo sa rehiyon ang pagdarausan ng turukan. Lalarga ito sa Oktubre 22.

Ang phase 3 na magsisimula sa Nobyembre ay gaganapin sa mga rehiyon sa bansa kung saan lagpas 50% ng mga senior citizen ay nabakunahan na.

At ang phase four ay depende sa itatalaga ng pamahalaan at sa suplay ng bakuna. (mjd)

https://m.facebook.com/OfficialDOHgov/posts/pcb.237392981760815/?photo_id=237390121761101&mds=%2Fphotos%2Fviewer%2F%3Fphotoset_token%3Dpcb.237392981760815%26photo%3D237390121761101%26profileid%3D100018645750664%26source%3D48%26refid%3D52%26__tn__%3DEH-R%26cached_data%3Dfalse%26ftid%3D&mdp=1&mdf=1

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?