49

Sep 10, 2021 @ 21:33
By

Pharmally nangutang kay Michael Yang

Hindi umano nasunod ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ang basic requirement nang ipagkaloob sa kanila ang bilyong halaga ng kontrata sa gobyerno para sa COVID-19 supply, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Dirlon.

“After you got the contract, you approached Michael Yang. So when you were negotiating to get the contract, you had absolutely no funds to get the supplies,” sabi ni Drilon sa pagtatanong nito kay Pharmally president Huang Tzu Yen sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Inamin naman ni Huang na nangutang sila ng pera kay dating presidential adviser Michael Yang.

“I just want to state on the record that we did receive Michael Yang’s help, with borrowed money from him. The company, not personally,” dagdag nito.

Hindi naman binanggit ni Huang kung magkano ang inutang ng kanilang kumpanya kay Yang.

Kinastigo din ni Drilon si dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao sa pagiit na ‘aboveboard’ ang kontratang inaprubahan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management na dating niyang pinamumunuan.

“Because this Lao is so arrogant and is saying that he complied with all the requirements. So here you are, the basic financial capacity requirement was not available,” sabi ni Drilon.

“The one who was given the contract admitted that they had no funds and they went to Michael Yang,” punto pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?