41

Sep 13, 2021 @ 17:51
By

Pharmally nag-deliver ng 500K face mask kahit walang order

Hindi umano standard procedure ang ginawa ng Pharmally Pharmaceutical Corp., kung saan nag-deliver ito ng 500,000 surgical mask kahit na walang request o purchase order mula sa gobyerno.

“This is the very first instance that we have received the face mask during that time, nung pandemic. There was confusion kasi there was no supplier, no PO at that time,” sabi ni Jorge Mendoza, dating officer in charge ng Department of Budget and Management-Procurement Service Inspection Division.

Nang tanungin ni Senador Francis Pangilinan kung standard procedure ba iyon, sinabi ni Mendoza na hindi.

“Actually hindi po standard ‘yun,” sagot ni Mendoza.

Una rito sinabi ni Pharmally executive Krizle Grace Mago na nakatanggap sila ng request for quotation (RFQ) para sa surgical masks noong Marso 25 at dinala noong araw ding iyon.

Pero para kay Senador Franklin Drilon, napaka-unsual diuma o na na-delvier ang mga item noong araw na iyon sa kabila ng kawala ng purchase order.

“Natanggap nila ‘yung request for quotation o RFQ noong Marso 25, 2020. Ngayon ang sabi nila, agad dineliver nila on the same day. Dineliver nila ang 500,000 surgical masks, hindi ko maintindihan kung may inventory o hindi, papalit-palit ‘yung sagot,” ani Drilon.

“Ang sabi naman ngayon, ‘yung purchase order nila eh April 16, 2020. Ang ibig sabihin nagdeliver sila wala man lang purchase order which is unusual,”saad pa nito.

Paliwanag naman ni Mago, noong araw na iyon wala silang suplay ng face mask subalit nagawa nilang mag-delvier gamit ang supplier ni Pharmally official Linconn Ong.

“At that day, we don’t have the stocks at our warehouse but Mr. Linconn Ong has a supplier who can deliver at the same day po,” ayon kay Mago.

Nabanggit din nito na ang purchase order ay may petsang Abril 6, 2020 na ayon kay Drilon ay iba sa petsa nakasaad sa Commission on Audit, na Abril 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?