33

Sep 13, 2021 @ 15:04
By

Pharmally maaaring kumita ng P1.5-B sa isang PS-DBM contract – Lacson

Tiba-tiba sa kita Pharmally Pharmaceutical Corp. mula sa nakuha nitong kontrata sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) kung saan P1.5 bilyon ang kinita ng mga ito sa isang kontrata lang, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Kaya’y mahalaga umano para sa Senate blue ribbon committee na matukoy kung magkano sa P42 bilyong nilipat ng Department of Health(DOH) sa PS-DBM) ang napunta sa Pharmally bilang kabayaran para sa medical supply na ibinigay nito.

Batay sa impormasyon ibinahagi ni Pharmally president Huang Tzu Yen sa pagdinig ng Senado noong Setyembre 10, sinabi ni Lacson na maaring kumite ang kumpanya ng P1.5 bilyon sa ag-supply ng dalawang milyong set ng personal protective equipment (PPE) na nagkakakahalaga ng P1, 910 each para sa kabuuhang P3.8 bilyon.

Ang mga set ng PPE, dagdag ni Lacson, ay binili ni dating presidential economic adviser Michael Yang mula sa mga Chinese supplier sa presyong P1,150 kada isa, na nangangahulugan na kumite ang kumpanya ng P760 kada set.

“This is why we need to find out how much of the full P42B (P42 billion) was awarded to Pharmally in order for the committee to at least estimate the total profit that went to Michael Yang,” sabi ni Lacson.

Inamin din Huang noong Biyernes sa pagdinig sa Sneado na nagpautang ang Pharmally sa Pharmally dahil walang pondo ang kumpanya nang makuha nila ang kontrata sa PS-DBM noong panahon na iyon sa ilalim ng pamumuno ni dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao.

Sabi ni Lacson, gustong malaman ng mga senador kung umakto lang na solo o nakipagsabwatan ito sa mga malalaking personalidad para payagan ang Pharmally na makua ang mahigit P10 bilyong kontrata sa PS-DBM.

“The bigger mystery that has yet to be unraveled by the committee is – are there bigger and more important personalities behind Yang, or did he act on his own?” tanong ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?