18

Oct 5, 2021 @ 16:11
By

Pharmally hindi nagbayad ng kontribusyon ng mga empleyado – Villanueva

Inihayag ni Senador Joel Villanueva na hindi nagbayad ang Pharmally Pharmaceutical Corp., ng kontribusyon ng kanilang mga kawani para sa PhilHealth at Pag-Ibig.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee, ipinakita ni Villanueva ang mga dokumento na walang naibayad ang Pharmally sa buwanang kontribusyon ng kanilang mga empleyado parasa PhilHealth at Pag-Ibig.

“Pharmally only started paying SSS contributions for its employees for the month of November 2020. Dun lang po sila nagsimula magbayad,” sabi ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee.

“Yung PhilHealth ganun din po as of Sept. 10, 2021 at yung Pag-IBIG certification [on] Sept. 24, 2021,” dagdag pa nito.

Giit naman ni Huang Tzu Yen, chairman ng Pharmally, nakakatanggap naman ng tamang suweldo at benepisyo ang kanilang mga empleyado.

“Based on my memory, I believe all the employees were always fully compensated and the benefits were also compensated in accordance with our contracts,” sabi ni Tzu Yen sa komite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?