135

Sep 13, 2021 @ 17:42
By

Pharmally exec pinipilit ikonek kay Duterte, binantaang papatayin

Ibinunyag ni Pharmally Pharmaceutical Corporation official Linconn Ong na nakakatanggap siya ng banta sa kanyang buhay sa gitna ng imbestigasyon ng Senado sa pagbili ng diumano’y “overpriced” na COVID-19 supply.

Sabi ni Ong, nakatanggap siya ng text message at binibigyan siya ng isang linggo para aminin ang kanyang koneksyon sa chief executive [Pangulong Rodrigo Duterte] at kung hindi, mamamatay ito at ang kanyang pamilya.

“Meron po akong natatanggap na mga text messages, ‘yong unang messages po ay bibigyan ako ng isang linggo… you and your family will be killed if you would not admit your connection to the chief executive, isa po ‘yan,” sabi ni Ong sa komite.

“Mr. Linconn Ong, we would give you a week of time, we’ll make sure you’ll have a Merry Christmas six feet underground, the agencies are locating you and your family, enjoy the billions fruit of your scam while you still can, tapos po pinatay ko na po ‘yong phone ko kasi natatakot na po ako sa nangyayari,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Ong ang rebelasyon matapos siyang tanungin ni Sen, Richard Gordon, chair ng komite, kung paano siya nakipagnegosasyon sa sa kontrata sa gobyerno, partikular ang pagbili ng RT-PCR test kit ana nagkakahalaga ng P600 milyon.

Sabi ni Ong, nangutang siya. Nang tanungin kung saan naggaling ang pera, sinabi nitong marami na siyang natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay.

“Mr. Chair ang dami ko na pong natanggap na death threats [I have a lot of death threats],” pahayag ni Ong.

Una rito, binanggit ni Ong na isang “Brother Tiger” na nagma-may-ari ng Tigerphil Manufacturing, ang source ng face masks na prinesyuhan ng P23 kada isang piraso na sinupaly sa gobyerno.

Ang pagbili ng ginawa ng Department of Budget and Management kahit na mas mura ang ibang lokal na suplay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?