24

Oct 5, 2021 @ 15:23
By

Pharmally exec dedma na sa pagdinig ng Senado

Nanindigan si Pharmally Pharmaceutical Corp. director Linconn Ong na hindi na siya dadalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa pagbili ng Department of Health ng mga Covid-19 medical supply noong nagdaang taon.

Ayon kay Senate blue ribbon committee oversight office management director-general Rodolfo Quimbo, ito’y dahil iginiit umano ni Ong na kanyang karapatan ng ‘code of confidentiality’ sa ilalim ng kanilang kompanya.

“Mr. Ong, so far as the documents is concerned, stated that he is not participating anymore in this proceeding nor he is transmitting anything, reiterating their supposed rights under the corporation’s code on confidentiality,” sabi ni Quimbo.

Si Ong ay nasa kasalukuyang nasa kustodiya ng Senado.

Samantala, hindi naman nakadalo sa pagdinig si Twinkle Dargani, presidente ng Pharmally, dahil nakakaranas ito ng panic attack, ayon sa kapatid nitong si Mohit Dargani

Sabi ng abogado nitong si Atty. Attorney Donn Rico Kapunan, magpapadala sila ng medical certificate sa Senate blue ribbon committee kaugnay nito.

Samantala, dumalo naman sa pagdinig si Krizle Mago, ang Pharmally official na nauna nang binawi ang kanyang testimonya hinggil sa pagpalit ng expiration date ng mga face shield, nang tumestigo ito sa pagdinig sa Kamara.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kamara si Mago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?