11

Jul 19, 2021 @ 17:38
By

PHAP nangangamba sa muling pagtaas ng COVID cases

Nangangamba ang isang grupo ng mga pribadong ospital na maaari silang kulangin sa tauhan at pasilidad sakaling magkaroon ng muling pagsirit ng mga kaso ng COVID sa bansa.

Ayon kay Dr. Jose Rene de Grano ng Philippine Hospital Association of the Philippines (PHAP), maraming health worker mula sa mga pribadong ospital ang nag-resign noong nagkaroon ng pagtaas ng mga kaso nitong Abril.

“When the surge happened in April, there were a lot of our personnel who resigned or transferred. That is why our bed capacity is limited, while other hospitals have downsized,” pahayag ni de Grano.

“We have enough oxygen support, ventilators, but if there will be a surge, we cannot easily expand our intensive care units because it comes with huge expenses, with additional required equipment, as well as highly trained nurses and doctors,” dagdag pa nito.

Ang mga pampribadong ospital ay naatasang maglaan ng 30% ng kanilang pasilidad para sa mga COVID patient.

Ang takot ng PHAP na muling pagtaas ng mga kaso ay dulot ng pag-anunsyo na mayroon ng local transmission ng mas nakahahawang COVID variant na Delta sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?