109

Dec 21, 2017 @ 19:02
By

PH women’s softball, umakyat sa rankings ng WBSC

Sumirit paitaas sa ika-15 puwesto ang Philippine national women’s softball team Blu Girls sa world rankings ng World Baseball Softball Confederation (WBSC).

Umangat ang Blu Girls ng dalawang puwesto mula sa ranggo noong 2016, nakapagpasiklab laban sa mga team na nasa Top 10 sa ilang malalaking kumpetisyon sa taong ito.

“From 17th, we’re 15th now and the target of our (Amateur Softball Association of the Philippines) president Jean Henri (Lhuillier) is to make it to the Top 10 before 2020,” bigkas kahapon ni Phil. coach Venerando Dizer.

“If can dish out another good performance in the next four tournaments next year, we have a chance to achieve it,” hirit niya patungkol sa World Cup of Softball, Canada Cup, 32nd Summer Olympic Games at 18th Asian Games.

Ang Blu Girls na rin sa kasalukuyan ang top-rank sa lahat ng Philippine teams sa lahat ng sports, dinaig pa ang Gilas Pilipinas at Phl men’s rugby Volcanoes.

Kumakasang sumegunda ang Pinay softbelles, na ngangarap makaabot sa Tokyo 32nd Olympiad 2020, sa astig na Japan sa Asian Championship, na nagbigay sa kanila ng passes sa 2018 World’s at 2018 Asiad.

Pinagbubulaga ng Nationals sa World Cup of Softball at Canada Cup ang higher-rank Canada (3rd), Australia (4th), Chinese-Taipei (5th), Mexico (6th), Czech Republic (9th) at China (11th).

“This was our best showing in Asia in 42 years,” hirit ni Dizer, positibong maitutuloy ang ragasa sa malalaking mga palaro sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?