21

PH weightlifters, target na ang 2018 Asian Games sa Indonesia

Sharing is caring!

Nakatuon na ang pansin ng Philippine weightlifting team na babanderahan ni Hidilyn Diaz sa 2018 Asian Games sa Indonesia sa Agosto.

Ito’y matapos ang matagumpay na pagsabak nila sa World Weightlifting Championships sa California, USA.

Nakasungkit dito ang pambato ng Pinas na si Diaz, na taga-Zamboanga, ng silver at bronze medals.

Samantala, nagawa ring makatapos na pang-apat ang 21-anyos na si Kristel Macrohon sa world championships sa clean and jerk, at humilerang panlima sa Group B ng 69-kilogram division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?