108

Jan 12, 2019 @ 16:28
By

PH volley coach Nes Pamilar, pumanaw na

Pumanaw na ang kilalang coach sa Philippine volleyball na si Nes Pamilar nitong Sabado.

Nasawi si Pamilar sa edad na 52 dahil sa heart failure.

Sumailalim ito noon sa bypass operation pero hindi ito huminto sa pagko-coach matapos nito.

Nagbalik siya bilang mentor ng Tacloban Fighting Warays sa Premier Volleyball League at sa San Beda Red Spikers sa NCAA.

Naging coach din siya ng De La Salle University Green Archers at Letran Lady Knights.

Dati ring national team at UAAP champion coach si Pamilar na siyang naggiya sa Far Eastern University Lady Tamaraws sa kampeonato sa UAAP Season 70.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?