168
Isyu sa West Philippine Sea tatalakayin sa SONA 2019
Sep 19, 2019 @ 20:18
By

PH vessels hinarang ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal

Hinarangan umano ng Chinese Coast Guard ship ang dadaanan ng tatlong vessel ng Pilipinas para sana sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Batay ito sa ipinadalang dokumento ng Department of National Defense (DND) kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na naunang humingi ng report tungkol sa modernization plans ng militar maging ang pagdami ng mga Chinese vessel sa karagatan ng Pilipinas.

Nangyari umano ang insidente noong Mayo 14, 2019 na kinasasangkutan ng Chinese Coast Guard ship na may bow number 3305.

Hindi naman binanggit sa DND report kung nakatungo sa shoal ang Philippine vessels.

Ani Usec. Cardozo Luna, regular silang nagde-deploy ng isang coast guard vessel malapit sa shoal para mamonitor ang mga aktibidad doon kabilang na ang pagdating ng mga Filipino fishing boat at ang resupply mission para sa mga tropang nakatalaga sa BRP Sierra Madre, ang transport ship na nagsisilbing outpost ng Philippine Navy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?