15

Jan 30, 2021 @ 21:59

PH vaccination plan aprub na

Inaprubahan na ang plano para sa malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Sa memorandum na may petsang Jan. 26 at inilabas nitong Miyerkoles, pinirmahan na nina National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer Carlito Galvez Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana at Interior Secretary Eduardo Año ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 95 o ang “Philippine National Deployment and Vaccination Plan for Covid-19 Vaccines”.

Binanggit sa vaccination plan na P82.5 bilyon ang inilaan para sa COVID-19 vaccine deployment program.

Nakasaad din sa 118 pahinang vaccine plan na inabisuhan ang lahat ng regional office at local government unit na agad magtayo ng mga vaccination operations center.

Nasa vaccine deployment plan din ang masterlisting o linelisting at registration ng populasyon bago ang vaccination process.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?