33

Feb 23, 2021 @ 18:37
By

PH unang bansa na may COVID-19 vaccine law pero wala pa ring bakuna – Zubiri

Pinuri ni Senate Majority Leader Juan Miguzel Zubri ang kanyang mga kasama sa Senado sa agarang pagsasabatas ng vaccine procurement at pagbuo ng indemnification fund kahit na hanggang ngayon ay wala pa ring bakuna ang Pilipinas.

Sa botong 22-0, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 2057 o panukalang Covid-19 Vaccination Program Act of 2021 na naglalayong pabilisin ang pagbili ng COVID-19 vaccine at pagtatag na national indemnity fund.

“I’d like to congratulate all our colleagues because we are probably the first country in the world to legislate vaccine procurement and implementation without a single vaccine yet,” pahayag ni Zubiri sa kanyang pagboto sa panukala.

“Magaling talaga ang Philippines,” dagdag pa nito, na ikinatuwa ng kanyang mga kasama.

Kinatigan naman ni Senador Francis Pangilinan ang pahayag na ito ni Zubiri.

“I’m proud to say that the Senate has not been remiss in its effort precisely to look into ways to be able to address and speed up and ensure a successful vaccine rollout,” sabi ni Pangilinan matapos aprubahan ang panukala.

“The main question now as raised earlier by our Majority Leader is: The law is there but where are the vaccines? And we hope that the vaccines will come soonest rather than later,” dagdag nito.

Sagot naman ni Zubiri: “[The] ball is now in the court of the executive.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?