12

Feb 25, 2021 @ 11:58
By

PH tanging bansa sa Asya na wala pang face-to-face class – Win

Ang Pilipinas na lang ang nag-iisang bansa sa Asya na hindi pa nakakapagbukas ng klasrum sapul nang tumama ang coronavirus pandemic noong nagdaang taon.

Ito ang pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian kasabay ng hindi sapat ang budgetary support sa mga guro para panatilihin ang distance learning sa buong bansa.

“It’s not enough, we have 900,000 teachers and not all of our teachers have the luxury of buying internet,” pahayag ni Gatchalian, chair of the Senate basic education committee sa panayam sa ANC.

“We did put some amounts in the Bayanihan 2 as well as in the 2021 budget, however, it’s not enough to sustain it [distance learning],” dagdag pa nito.

Nagbukas ang klase noong Oktubre 5 gamit ang distance learning modality – kumbinasyon ng online at modular learning – dahil isinara ang mga paaralan at sinuspinde ang physical classes dahil sa pandemya.

Nauna nang ipinanukala ng Department of Education (DepEd) ang dry run ng limitadong face-to-face classes na nakatakda sana noong Enero 2021.

Nagbigay noong ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte subalit binawi din dahil sab anta ng bagong coronavirus variant na naunang nadiskubre sa United Kingdom.

Subalit isinusulong ng ilang mga senador na simulant ang drug run ng limitadong face-to-face classes lalo na sa mga lugar ng mababa o walang kaso ng COVID-19.

“A lot of countries have been doing this, in fact, in Asia right now, we’re the only country which has not opened schools yet. A lot of our neighbors have already started face-to-face and that’s why we have to study our situation very carefully,” ayon kay Gatchalian.

“In other countries even though they did not have the vaccine, they have already started face-to-face classes, some are partial, some are once a week but it’s important to study the situation,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?