18
views

By

PH swimming, suspendido ng POC

Sharing is caring!

Wala muna mamamahalang asosasyon sa swimming sa bansa.

Ito ay matapos suspendihin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagkilala sa Philippine Swimming Inc. (PSI) bilang national sports association sa swimming.

Ito ang napag-alaman kay POC President Ricky Vargas matapos nitong suspindihin ang rekognisyon sa asosasyon na pinamumunuan ni Leilani Velasco bilang presidente matapos ideklara ng binuo nitong Arbitration and Dispute Committee na walang saysay at bisa ang isinagawang eleksyon ng PSI noong Pebrero.

Ipinaliwanag ni Vargas na gagawin ng bagong pamunuan ng POC na mapadali ang pagsasaayos sa direksiyon ng kontroberisyal at magulong asosasyon ng swimming bago magsimula ang Asian Games sa Indonesia simula Agosto 18 hanggang September 2.

Inihayag ni Vargas ang desisyon sa ginanap na unang General Assembly ang POC, Lunes sa Meralco multi-purpose hall sa Ortigas

“Swimming has just been disqualified and they lose all their privileges as NSA of the POC until such time we are able to settle all the issues. That was in the resolution but there is a question whether the POC can be a caretaker,” sabi ni Vargas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?