1,368

Jun 3, 2019 @ 10:59
By

PH surfing team gustong magmarka sa SEA Games

Hindi aatrsan ng Philippine National Surfing Team ang mga top surfer ng Malaysia, Indonesia, Singapore, Myanmar at Thailand sa 30th Southeast Asian Games sa Disyembre.

Bubuuin mula sa apat na yugto ng 2018 Philippine Surfing Championship Tour ang koponan para sa hanggad na SEA Games gold.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa mapangalanan ng United Philippine Surfing Association (UPSA) ang mga ito dahil mabusisi pang pinagaaralan ng grupo ang magiging line-up bago ianunsyo.

Puspusan naman ang pagsusumikap ng UPSA upang maplakado ng mabuti ang debut ng sport sa biennial meet na naktakdang idaos sa Monalisa Point, La Union.

“This is the first time surfing became a part of SEA Games. It was through the efforts of the United Philippine Surfing Association that this was approved. We are making history in Southeast Asia right here in the Philippines,” saad ni UPSA secretary general at competition manager Kat Bolina.

“We want to assure you that we are doing our best to set a high standard for surfing events in Asia and that we are working hard to give the best event possible. We are also working hand in hand with the International Surfing Association to ensure international standards are applied,” panapos ni Bolina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?