64

Oct 15, 2017 @ 15:48

PH sports women activities, pinapurihan

Napansin ang Pilipinas ng katabing bansa dahil sa walang puknat na pagpapatupad ng sports women activities sa mahigit na isang taon.

Isa si Philippine Sports Commission (PSC) Sports for All-Women in Sports Oversight Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram na naimbitahan ng Taiwan upang magsalita noong Oktubre 12-13 sa 2017 International Conference on Women in Sports ng APEC Sports Policy Network.

“They like our program for our women and they wanted to know how we conduct and plan our events and activities,” bulalas ni Kiram sa pagpapabatid nito sa 150 sumali kahapon ng umaga sa PSC-WIS Women Sports Festival 2017 Aquathlon sa Rizal Memorial Sports Complex.

Humigit-kumulang sa 500 delegado mula sa Taiwan at Pilipinas at sa iba pang bansa sa Asya ang dumalo sa dalawang araw na pagtitipon.

Pangalawang sunod na komendasyon na ito sa ilang buwan lang ang natanggap ng national government sports agency, kasunod ng sa United Nations Educational and Scientific Cultural Organization para naman sa Children’s Games ni PSC Chairman William Ramirez. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?