59

Dec 11, 2017 @ 16:49

PH sisikat sa pag-host ng 2023 FIBA World Cup – Palasyo

Nakiisa ang Palasyo sa pagdiriwang ng mga Pinoy matapos matagumpay na makuha ang hosting rights ng FIBA Basketball World Cup 2023.

Ayon kahapon kay Communications Secretary Martin Andanar, ang pagkapanalo ng Pinas kasama ang Japan at Indonesia ang hudyat ng muling pag-usbong at pagsulong ng katanyagan ng bansa sa mundo ng sports.

Naniniwala rin si Andanar na makatutulong ito sa pag-usbong ng turismo at karagdagang negosyo at investments para sa mga Pinoy.

Kaugnay naman nito, pinuri ni Andanar ang Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP na pinamumunuan nina president Al Panlilio, at chairman emeritus Manny Pangilinan dahil sa tiyaga at pagsusumikap na maabot ang pagbalikat ng bansa sa prestihiyosong tuwing apat na taong torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?