136

Dec 1, 2019 @ 15:53

PH sepak takraw, double gold sa SEAG

Magkasunod na ginto ang binulsa ng Pilipinas sa sepak takraw events sa 30th Southeast Asian Games sa Subic Gymnasium nitong Linggo.

Ito’y matapos pabagsakin ng men’s national team ang Cambodia at Laos tungo sa gintong medalya.

“The national Men’s Sepak Takraw team secures another gold in the 30th #SEAGames2019 after garnering a
score of 670 in the men’s hoop event at Subic Gym!” ayon sa tweet ng Philippine Sports Commission.

Bago ito, nagwagi din ang women’s team ng Pilipinas kontra Indonesia para din sa ginto, 670-660.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?