137
abante-tnt-vismin-gilas
Aug 27, 2018 @ 18:55
By

PH quintet talo sa Korea, pero panalo sa mga Pinoy

Nabigo mang talunin ng Pilipinas ang South Korea sa kanilang quarterfinals match Lunes sa Asian Games 2018 sa Indonesia, buong puso pa ring ipinagmamalaki ng mga netizen ang magandang laro na ipinakita ng mga ito.

Noong 1962 pa nang huling matalo ng Pilipinas ang South Korea sa Asian Games at simula noon ay hindi na naulit ang pagdomina ng mga Filipino sa mga Koreano at dito na nagsimula ang tinatawag na ‘Korean Curse’.

Maraming Filipino ang nadismaya at nalungkot sa nangyari pero mas marami pa rin ang masaya at buong-pusong pinagmamalaki ang ginawa ng tropa para sa bayan.

Sa tweet ng dating Gilas member na si Marcus Douthit, pinuri nito ang naging performance ng Team Pilipinas, na tinuturing niya na mga kapatid; “Korea has had the same format for years all shooters and a rebounder gilas great fight always proud watching my brothers fight !!”

Malaki rin ang panghihinayang ni coach Chot Reyes pero pinuri din nito ang buong tropa at nagpasalamat din; “Sayang! But cant take anything away from Coach Yeng & Team. We battled gallantly. Just 1 or 2 breaks was the difference. Still #SalamatGilas.”

“Much respect for gilas kasi kahit na minadali at maraming issue eh narepresent nila ang bansa! PUSO!” tweet ni @DagsFausto.

Tweet naman ni @Matthew01791399; “Thank you JC for playing with Gilas, we will miss you so much. See you soon on NBA. GOD BLESS U AND ALWAYS TAKE CARE. WE HOPE THAT YOU WILL PLAY AGAIN FOR OUR COUNTRY. THANK U SO MUCH.”

Nagpasasmalat naman si @TheSuperTomi sa buong Gilas Pilipinas; “Thank you, Gilas Pilipinas, Thank you @JordanClarksons!”

Matapos ang masakit na pagkatalo, muling lalaban ang Pilipinas para sa ikalimang puwesto ng men’s basketball sa Asiad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?