50

By

PH puwedeng humingi ng danyos sa paglabag ng China – Justice Carpio

Sharing is caring!

Maaari umanong maging batayan ng panibagong protesta ng Pilipinas sa international tribunal ang paglabag ng China sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 2016 na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas na mangisda sa Scarborough Shoal.

Ito ang sinabi ni Acting Chief Justice Antonio Carpio bilang tugon sa ulat na inaagawan na ng mga Chinese Coast Guard ng pangisda ang mga Filipino fisherman sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Carpio, sinusuway na ng China ang naging desisyon ng international tribunal.

Dahil dito, maaari umanong magsulong ng panibagong protesta ang Pilipinas at maggiit ng danyos dahil sa pinsala sa kabuhayan ng mga Filipinong mangingisda.

Para kay Carpio, ito ang mainam na hakbang na maaaring gawin ng Pilipinas para maprotektahan ang interes ng mga mangingisda.

“We can bring another case before arbitral tribunal that China has been violating the ruling and demand damages for the economic loss that our fishermen suffered. That’s the course of action to take if we want to protect the interest of our fishermen,” paliwanag ni Carpio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?