557

Jan 2, 2018 @ 17:34
By

PH pangatlo sa pinakamasayang tao sa mundo

Sa kabila ng mga sakuna, kalimdad at kaguluhan, pangatlo pa rin ang Pilipinas sa pinakamasayang bansa sa mundo.

Ayon sa Gallup International’s 41st annual global year-end poll, napanatili pa rin ng Pilipinas ang ikatlong puwesto na may +84 net happiness score sa Top 10 happiest countries nitong 2017.

Ang survey ay limang porsiyentong pagtaas sa Pilipinas na nakapagtala ng +79 net happiness score noong 2016.

Nasa unahan ng Pilipinas ang Columbia na may +87 para makuha ang ikalawang puwesto sa likod ng nangunan Fiji na net score of +92.

Subalit sa nasabing survey, sinabi ni Gallup na naging malungkot pa rin ang mga tao sa mundo dahil 59 posriyento lamang ng respondents ang nagsabing masaya sila sa taong 2017.

Mas mababa ito ng 10 porsiyento kumpara sa isinagawang survey noong 2016.

“2017 was a tough year with terrorist attacks over almost each week and it may have influenced personal lives all around the world. Nevertheless, a majority in all polled countries are happy,” ayon sa website ng Gallup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?