By

PH Navy tutulong sa rescue ops ng bumagsak na US aircraft

Sharing is caring!

Nakahandang tumulong sa pagsasagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Navy kasunod nang pagbagsak ng Navy Aircraft ng Amerika sa karagatang sakop ng Okinawa, Japan.

Sakay ng aircraft ang 11 crew. Bumagsak ito mahigit t 600 nautical mules sa northeast ng Cagayan dakong alas-2:45 ng hapon noong Miyerkules.

Ayon kay Philippine Navy Spokesman Capt. Lued Lincuna, nalulungkot sila sa pangyayari kaya lahat ng posibleng tulong na kanilang maibibigay sa pagsasagawa ng search andd rescue operation ay kanilang gagawin.

Sa ngayon aniya ay naka-standby ang kanilang mga barko at sasakyang panghimpapawid para maideploy anumang oras.

Batay sa official statemet ng US navy 7th fleet na Kagabi narescue na ng us navy gamit ang kanilang Golden falcons US Navy helikopter sea combat squadron ang walo sa labing isang crew at pasahero ng eroplano.

Inilipat agad ang mga ito sa USS Ronald Reagan at isinailalim sa medical evaluation.

Nagpapatutuloy pa ng search and rescue operation sa 3 pang sakay ng bumagsak na eroplano. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?