152
PH Navy palalakasin ng 2 anti-submarine
May 7, 2019 @ 15:41
By

PH Navy palalakasin ng 2 anti-submarine

Ilang taon nang hindi maka-detect ng mga submarine ang Philippine Navy mula sa mga kapitbahay na bansa na nagkukubli sa karagatan ng Pilipinas.

Pero dahil nabiyayaan sila ng dalawang anti-submarine, may kakayanan na ang Philippine Navy na maka-detect nito.

Dumating umano ang daawang AgustaWestland AW-159 helicopter noong Martes, ani Flag Officer in Command Vice Adm. Robert Empedrad.

Nabili ang dalawang helicopter ng P5.4 bilyon kasama na ang mission essential equipment, munition, at integrated logistic support.

“Limited lang yung makikita dahil dalawa lang, ang luwag-luwag ng dagat natin. Pero at least ‘yung mga nasa sea lanes of communication natin pwedeng ma-monitor kung may dumaan na submarines,” aniya pa.

Kaya umano nitong makawasak ng mga submarine dahil mayroon itong torpedoes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?