59

By

PH Navy dumating na sa Hawaii para sa pinakamalaking naval drills

Sharing is caring!

Lumapag na sa Hawaii ang Philippine Navy contingent para sa nakatakdang world’s biggest naval drills sa Pasipiko.

Pinangunahan ni Naval Task Force 86 commander Capt. Ernesto Baldovino ang pagdating ng BRP Davao del Sur (LD-602) at BRP Andres Bonifacio (FF-17) sa Pearl Harbor noong Martes para sa Rim of the Pacific (Rimpac) Exercise 2018.

Ito ang unang pagkakataon na nagpadala ng barkong pandigma ang Philippine Navy sa Rimpac exercises na iho-host ng US Navy.

Ilan sa pagsasanayan dito ang humanitarian assistance at disaster response, maritime security, at sea maneuvers.

Magsisimula ito ng Hunyo 28 at matatapos ng Agosto 2.

Kabilang sa 26 na bansa na sumali sa exercises ang United States, Australia, South Korea, Japan, Singapore, New Zealand, Canada, Malaysia, at India. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?