7
views

By

PH napanatili ang Tier 1 rating sa US Trafficking Act

Sharing is caring!

Ikinalugod ng Bureau of Immigration (BI) ang pananatili ng Pilipinas sa tinatawag na Tier 1 rating ng US State Department para sa taong 2018 ng kanilang Trafficking in Persons (TIP) Report.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ipagpapatuloy nila ang kampanya kontra sa human trafficking sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga immigration laws.

“We will continue to do our part to ensure that we eradicate trafficking through the strict enforcement of our immigration laws,” saad ni Commissioner Jaime Morente.

Sa pinakahuling ulat ng US State Department, napanatili ng bansa ang premier TIP status nito sa tatlong sunod na taon.

Isa rin ang Pilipinas sa 39 na mga bansa mula sa 186 na na-survey na patuloy na nagpapakita ng seryoso nitong kampanya kontra sa human trafficking.

Ang Tier 1 rating ay ipinagkakaloob sa mga bansang nakasusunod nang maayos sa miminum standards ng US Trafficking Victim Protection Act.

Kasabay nito, pinapurihan ni Morente ang kanyang tauhan na nagbabantay sa mga pantalan at paliparan sa bansa sa maayos na paggampan ng mga ito sa kanilang trabaho na masawata ang mga hinihinalang biktima ng trafficking at mga sangkot sa human smuggling.

Aminado ang BI na hindi pa rin tuluyang nawawala ang katiwalian, pero malaking bagay umano ang ibinigay na Tier 1 ratings ng US sa kampanya ng kawanihan.

Sa datos ng BI Travel Control and Enforcement o TCEU, umabot na sa 29, 356 pasahero ang sinala sa mga airport at pantalan sa bansa dahil sa mga kuwestiyonableng dokumento.

Ayon kay BI OIC Associate Commissioner at Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, mula noong Enero hanggang Mayo ngayong taon, pumalo na sa 14,076 na mga pasahero ang pinigilan ng BI personnel dahil sa mga kuwestiyonable at kulang-kulang na mga dokumento. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?