121

Apr 15, 2020 @ 9:51
By

PH nangulelat sa mga bansang ligtas sa COVID-19 crisis

Nasa pinakahuli ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na ligtas manatili habang may coronavirus pandemic.

Ayon sa pag-aaral ng Deep Knowledge Venture, isang Hong Kong-based venture capital fund na tinatarget ang healthcare at technology, walo sa 10 pinakaligtas na lugar sa daigdig ngayong may coronavirus pandemic ay nasa Asia-Pacific region.

Sa kanilang global ranking nitong Abril 12, ‘di natinag sa 1st place ang Israel na safest place sa coronavirus pandemic. Kabilang naman sa top 10 ang Australia, China, New Zealand, Taiwan, Singapore, Japan at Hong Kong.

Sa Asia-specific ranking naman, nasa mababang safety ranking ang Pilipinas, kasama ang Indonesia, Bangladesh, at Laos.

Sabi ni DKV founder Dmitry Kaminskiy sa Nikkei Asian Review, dahil sa “inefficiency of government management” sa Pilipinas kaya posibleng humarap ang bansa sa “quite negative dynamics” sa mga susunod na linggo.

Ang mga kategoryang pinagbatayan ng DKV sa listahan ay ang “quarantine efficiency,” kabilang ang mga travel ban; “government management efficiency,” na sakop ang kakayahan ng defense; “monitoring and detection,” ang lawak ng testing; at “emergency treatment readiness,” na kabilang sa kinukunsidera ay ang dami ng mga hospital bed.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?